Mga lugar sa QC na naka-lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19, lumobo na sa 25

Patuloy pang nadadagdagan ang mga lugar sa Quezon City na isinasailalim sa 14-day special concern lockdown dahil sa pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19.

Hanggang kahapon umabot na sa 25 ang bilang ng mga areas na naka-lockdown sa lungsod mula sa 20 noong July 31.

Kabilang sa mga nadagdag ang isang lugar sa Temple Drive sa Barangay Ugong Norte, anim na lugar sa dela Cruz at isang lugar sa Manansala st sa Barangay Krus na Ligas, bahagi ng Fatima st sa barangay UP Campus, isang compound sa Cordillera st Barangay Doña Aurora at isang lugar sa Bagong Buhay st sa barangay Sto Niño.

Kaugnay nito, isinara din pansamantala sa publiko ang QC Public Library bilang pagsunod sa General Community Quarantine na umiiral sa lungsod.

Base sa datos ng LGU, tumaas pa sa 2, 608 ang COVID-19 active cases mula sa kabuuang 107,952 na confirmed cases sa lungsod.