Mga lugar na nasa election watchlist ng PNP, pinangalanan na

Pinangalanan na ng Philippine National Police (PNP) ang 19 na lugar na nasa kanilang election watchlist.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, ang kanilang listahan ay nadagdagan ng isa pang lugar, mula sa orihinal na 18 munisipyo at syudad noong nakaraang linggo pero pito palang ang na-validate.

Kasama sa listahan ang: Sudipen at Balaoan sa La Union, Jones sa Isabela, Lemery at Roxas sa Batangas, Balud at Dimasalang sa Masbate, Daraga sa Albay, Pagadian at Cagayan de Oro City sa Misamis Oriental.

Gayundin ang Hajji Muhammad Ajul, Lantaoan at Tipo-Tipo sa Basilan, Marawi City at Sultan Dumalondong sa Lanao del Sur, Mamasapano, Sharrif Aguak, Shariff Saydona Mustapha at Dati Unsai sa Maguindanao.

Ayon sa PNP chief, mataas ang potensyal ng karahasan sa mga lugar na ito dahil sa intense political rivalry.  | ulat ni Leo Sarne