Mga LGUs, pinaghahanda na para sa pagdating ng malaking bulto ng mga bakuna simula sa Agosto

Pinaghahanda na ng National Task Force Against COVID-19 ang mga lokal na pamahalaan para sa inaasahang pagdating sa bansa ng mga biniling bakuna ng Pfizer, Moderna, at Sputnik-V.

Kasunod ito ng naisarang kasunduan para sa 40 milyong doses ng Pfizer, 20 milyong doses ng Moderna, at 10 milyong doses ng Sputnik-V.

Ang bakunang ito ay sensitibo at may storage temperature requirement na 80 hanggang 60 degree celcius para sa Pfizer, habang ang Moderna at Sputnik-V ay kailangang nasa 20 degrees celcius.

Nilinaw din ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. na kailangang matiyak na ang mga recipient na LGUs ay may kakayahang mag-imbak ng ganitong mga uri ng bakuna.

Ito’y upang matiyak na hindi masasayang ang mga bakuna dahil sa improper storage at pagka-panis.

Nilinaw pa ni Sec. Galvez na sakaling dumating na ang mga bakuna ay agad nila itong ihahatid sa mga probinsiya at iba’t-ibang rehiyon sa buong bansa.

Inaasahan ang pagdating ng bulto ng tatlong brand ng bakuna simula sa Agosto kasabay ng pagbubukas ng National Immunization Program sa publiko, kabilang ang mga kabataan edad 12-hanggang 15-anyos.