Mga LGU na may seafarers hubs, pinadaragdagan ng suplay ng bakuna

Umapela si Marino Partylist Rep. Sandro Gonzalez na madagdagan ang alokasyong bakuna sa local government units (LGUs) na may mga seafarer hub.

Kasunod na rin ito ng pag re-classify ng IATF sa outbound OFWs kasama ang seafarers bilang A1 mula sa A4 priority list.

Ayon kay Gonzalez, malaking hamon ngayon ang availability ng COVID-19 vaccines sa mga lugar na may mataas na concentration ng seafarers dahil naroroon din ang hubs at kanilang dormitories.

Mungkahi naman ni Marino Partylist 2nd Rep. Macnell Lusotan na maglaan ang Department of Health (DOH) ng dagdag na bakuna na para lamang sa mga seafarer.

Sa paraang ito aniya ay mareresolba ang isyu sa pamamahagi ng bakuna sa mga residente at mga migrant workers.

Ngayong araw naman nakatakda ang symbolic innoculation ng mga seafarer.