Mga kongresista na nagtulak sa pamamahagi ng libreng Ivermectin, handang managot kung may paglabag sa batas

Handang akuin nina ANAKALUSUGAN Party-list Representative Mike Defensor at Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang pananagutan kung may paglabag sa batas ang ginawa nilang pamamahagi ng libreng Ivermectin kamakailan.

Sa isang statement, sinabi ni Defensor na sila ni Marcoleta ang may accountability sa naturang inisyatiba at hindi na dapat idamay ang mga doktor na nakibahagi dito.

Tinukoy kasi ng DOH na mayroong posibleng pag-labag ang naturang volunteer doctors dahil sa maling pagkakasulat ng prescription o riseta para sa naturang gamot.

Napuna kasi ang kawalan ng pangalan ng doktor, PRC license no. at maging PTR no. nito sa ibinigay na reseta sa mga benepisyaryo.

Diin ng kongresista, ginawa lamang ng mga doktor ang tingin nila’y nararapat para tulungan ang mga tinamaan ng COVID-19.

“If there was anything wrong with our distribution of this COVID-19 wonder drug Ivermectin, we are the ones answerable, not our volunteer doctors and other medical practitioners who just wanted to help our poor people,” ani Rep. Defensor.