Mga komunistang terorista, pangunahing target ng Memo Order 32

Ang mga teroristang komunista ang pangunahing target sa inilabas na Memorandum Order 32 ng Malacañang, ayon kay Philippine Army 8ID Commander Major Gen. Raul Farnacio.

Sa naturang memorandum, inatasan ng Malacañang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), na magdagdag ng puwersa nito sa apat na lalawigang may mataas na insidente ng lawless violence at banta ng terorismo.

Kabilang na dito ang lalawigan ng Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at Bicol.

Ayon kay Farnacio, bunsod ito ng spill-over ng terrorist activities mula sa Mindanao sa mga naturang lalawigan, mula nang magdeklara ng Martial Law sa Mindanao.

Tinukoy ni Farnacio ang Samar, na aniya’y dahil sa kakulangan ng imprastraktura at development, ay naging “fertile recruitment ground” sa mga communist terrorist guerillas.

Dagdag ni Farnacio, marami din aniyang na-establish na sleeper cells ang mga terrorist group sa iba’t ibang lugar sa rehiyon.

Sa naturang memorandum order, ipinag-utos ng Palasyo ang mas matinding police at military intelligence operations kontra sa sinumang indibidwal o grupo na may kinalaman sa paghahasik ng karahasan sa alinmang nabanggit na lugar. | ulat ni Leo Sarne