Mga kawani ng BJMP, sumalang na rin sa vaccination rollout

Tumanggap na rin ng kanilang first dose ang mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sa ceremonial vaccine kanina, Sinovac ang brand na itinurok sa jail guards at jail officers sa National Headquarters nito sa Mindanao Avenue, Quezon City.

Aabot sa mahigit 200 na mga kawani ng BJMP ang agad nabakunahan sa unang batch nito.

Ang mga jail guard at jail officer ay kasama sa A4 Priority List.

Kabilang din sa mga nabakunahan ay ang mga bagong recruit na jail guard na nakapasa sa medical assessment ng BJMP.

Wala namang naiuulat na insidente ng adverse effect sa mga naturukan na mga empleyado.