Mga katutubo mula Mindanao, muling sinariwa sa UP ang nangyaring pagkubkob ng Maute-ISIS sa Marawi

Ilang araw bago ang unang taon ng Marawi siege, nanawagan ang ilang katutubo na tanggalin na ang Martial Law sa Mindanao.

Sa isang forum sa Balai Kalinaw sa University of the Philippines, nasa mahigit 100 katutubo ang nagtipon sa UP para isalarawan ang mga nangyari sa nakalipas na isang taon habang nasa ilalim ng Martial Law ang kanilang lugar.

Ayon kay Abdul Hamidullah, sultan ng Marawi, hindi daw sila napanatag mula nang ipatupad ang Batas Militar doon.

Unang idineklara ni Pangulong Duterte ang Martial Law sa Mindanao noong May 23 at pinalawig ito hanggang sa katapusan ng 2018 matapos pagtibayin ng Kongreso.

Dumating din sa pulong sa UP ang nasibak na si Atty. Ma. Lourdes Sereno. | via Rey Ferrer