Mga kaso kaugnay ng war on drugs ng pamahalaan handang harapin ni outgoing PNP Chief Bato Dela Rosa

Nakahanda si outgoing Philippine National Police (PNP) Chief Police Director General Ronald “Bato” dela Rosa, na harapin ang anumang kaso na maaring isampa laban sa kanya ng mga kritiko ng war on drugs.

Ito ang binigyang diin ni dela Rosa sa isang panayam matapos ang ipinagkaloob sa kanyang testimonial parade ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio kahapon.

Una nang sinabi ni dela Rosa, na ang seryosong kampanya laban sa ilegal na droga ang isa sa mga dahilan kung bakit tumaas ang respeto ng publiko sa PNP.

Pero ayon kay dela Rosa may ilang mga kritiko na pilit na hinihilang pababa ang imahen ng PNP sa pagkuwestyon sa mga namatay sa war on drugs.

Magugunitang inatasan ng Korte Suprema ang PNP, na isumite ang mga case files ng mahigit apat na libong namatay sa war on drugs, matapos kwestyunin ng mga kritiko ang constituionality ng war on drugs ng pamahalaan.

Ayon kay dela Rosa, kahit bumaba na siya sa pwesto bilang PNP chief ay ipagtatanggol pa rin niya ang drug war ng Pangulong Duterte, dahil sa kabutihang idinulot nito sa lipunan. | via Leo Sarne