Mga kabataang benepisyaryo ng DSWD, makikiisa sa 7th Pantawid Pamilya National Children’s Congress – DSWD

Walumput walong kabataan na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare and Development ang lalahok sa ika-pitong Pantawid Pamilya National Children’s Congress sa Nobyembre 26 hanggang 30, sa Metro Manila.

Ayon kay  DSWD Secretary Rolando Bautista, ang pagtitipon ay bahagi ng selebrasyon ng National Children’s Month ng DSWD sa tulong ng Council for the Welfare of Children.

Tema ngayong taon ang “Bata, Magkaisa Tungo sa Bayang Mapagkalinga.”

Tatalakayin dito ang kahalagahan ng paggawa ng bansa ng isang ligtas na lugar kung saan maaaring mabuhay ang mga batang Pilipino at matupad ang kanilang mga pangarap.

Tuturuan din ng NCC ang mga kalahok sa mga karapatan, mga tungkulin at responsibilidad ng isang bata.

Kasama ding pag-uusapan ang mga kasalukuyang isyu na nakakaapekto sa kanila, at magbigay ng mungkahi para masolusyunan ang problema. | ulat ni Rey Ferrer