Mga isla ng Pilipinas sa West Phil. Sea, tuloy-tuloy na idedevelop – Lorenzana

Tuloy-tuloy lang ang pagdebelop ng militar sa mga islang okupado ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, kasabay ng pagsabi na kung merong gagawing pang-haharass ang China ay patuloy din lang na maghahain ng diplomatic protest ang Pilipinas.

Ayon sa kalihim, regular pa ring magsasagawa ng pagpapatrolya ang Philippine Navy at palalakasin ang 9 na islang kasalukuyang okupado ng AFP.

Sinabi ni Lorenzana, na 42 porsyentong tapos na ang Beaching Ramp na itinatayo sa Pag-asa Island, at inaasahang matatapos na sa susunod na taon.

Kapag matapos na aniya ito, ay makakapagdala na ng heavy equipment doon para magamit sa pagsasaayos ng runway.

Bukod dito ay maaari na ring simulan ang konstruksyon ng mga bagong pasilidad tulad ng barracks para sa mga sundalo. | ulat ni Leo Sarne