Mga illegal drugs at chemicals na tinatayang nasa P2.2-B, nadiskubre ng pulisya sa Ortigas Center; Isang Korean national at isa pa katao naaresto

Samut-saring chemicals at pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng Northern Police District at Eastern Police District sa bahagi ng Ortigas Center Brgy. San Antonio, Pasig City kagabi.

Ito’y matapos maaresto ng pulisya sa Caloocan si Kim Jong Hee, isang Korean national at si Marvin Yu na nahuli naman sa San Juan City.

Nagsimula ang operasyon ng pulisya nang magsagawa ng drug buy- bust operation ang mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Northern Police District sa Bagong Barrio, Caloocan umaga pa lamang kahapon.

Dito naaresto ang suspect na si Yu at na-recover sa kanya ang may 250 gramo ng shabu .

nagtuloy-tuloy ang operasyon ng pulisya at nadakip sa tapat ng Viridian Hotel sa San Juan City si Kim Jong Hee, na umanoy isang chemist at nakuha naman sa kanya ang 250 grams ng shabu.

Matapos magsagawa pa ng surviellance operation ang pulisya para matukoy ang source ng iligal na droga kanilang natunton ang isang
Toyota Grandia na may plate number ZRF 504 na nakaparada sa loob ng J3N3 parking lot sa may Garnet Road, Brgy. San Antonio, Ortigas Center, Pasig City.

At dito na nadiskubre ang dalawang containers at apat na water jugs na naglalaman ng half processed shabu, 26 na sako ng suspected ephedrine, ilang glass mixers, mga gallons ng chemicals na pinaniniwalaang precursors, maraming kahon na naglalaman ng acetone at iba pa na ginagamit sa paggawa ng shabu.

Ang mga chemicals, kapag nagawa nang shabu ay aabot sa 325 kilos at may street value ng hanggang P2.2 billion pesos. | ulat ni Rey Ferrer