Mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City, nasa 99% na

Nasa 99% o 178,632 na ang bilang ng gumaling mula sa COVID-19 sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, mayroon na lamang na 187 ang kumpirmadong active cases mula sa 180,444 na kabuuang bilang ng nagpositibo sa sakit.

Maaaring magbago pa ang bilang ng mga kaso sa lungsod dahil na rin sa isinasagawang community-based testing.

Samantala, 71 mula sa kabuuang 142 barangay sa lungsod ang wala nang active cases ng COVID-19.

Ang iba naman ay nakapagtala na lang ng single digit na active cases hanggang kahapon.