Mga “freelancer,” dapat ring mabigyan ng ayuda

Isinulong ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pagkakaloob ng comprehensive assistance package para sa mga ECQ-affected “freelancer”.

Ayon kay Cayetano, maaaring magsama-sama at bumuo ng isang grupo ang nabanggit na freelancers, independent contractors, at self-employed upang mapabilis ang tulong na magmumula sa gobyerno.

Pagbibigay-diin ng lider ng Kamara na sa kabila ng pagsusumikap ng pamahalaan na makapagpaabot ng tulong sa mga apektadong manggagawa ay mayroon pa ring mga sektor na hindi naaabot dahil sa kawalan ng updated database para sa mga informal workers.

Aniya ilang freelancers na sa entertainment industry ang lumapit sa kanila dahil sa pangamba na tuluyan nang mawalan ng trabaho lalo’t pinalawig pa ang Enhanced Community Quarantine.