Mga Filipino Boxer na sina Carlo Palaam at Eumir Marcial, pinapurihan ng Malacañan

Nagpaabot ng pagbati ang Malacañan sa pagkapanalo ng mga Pinoy boxers sa 2020 Tokyo Olympics.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kaisa ng buong Pilipinas ang Palasyo sa pagdiriwang pagkapanalo ni Carlo Paalam sa Men’s Flyweight Boxing Semifinals.

Sigurado na ang silver medal ni Paalam, at lalaban pa ito, para sa tyansang makasungkit ng gintong medalya.

“We join the entire Filipino nation in celebrating the victory of Carlo Paalam in today’s men’s flyweight boxing semifinals,” ani ni Secretary Roque.

Samantala, sinabi ng kalihim na ipinagmamalaki rin ng bansa si Eumir Marcial na maguuwi naman ng bronze medal.

“We are likewise proud of Eumir Marcial for his bronze medal finish in men’s middleweight boxing,” sinabi ni Secretary Roque.

Ayon kay Secretary Roque, ang mga atletang ito ay kapwa nagbigay ng karangalan sa Pilipinas. At nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan at sa lahat ng Pilipino.

“Our Filipino boxers have brought pride and honor to the Philippines. They truly serve as inspiration for our people, especially the youth, to emulate. Mabuhay ang atletang Pilipino,” dagdag ni Secretary Roque.