Mga empleyado ng LTO sa Aritao Nueva Vizcaya na isinumbong ng pangongotong ng mga rice dealers, galit na pinasisibak ni Pangulong Duterte

Umuusok sa galit si Pangulong Rodrigo Duterte kagabi matapos marinig ang sumbong ng mga rice traders hinggil sa pangongotong ng mga tauhan ng LTO sa Nueva Vizcaya.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny PiƱol na kasama sa pulong sa Palasyo, agad-agad na pinatawagan ng Presidente kay SAP Bong Go si Transportation Secretary Arthur Tugade.

Direktiba ng Pangulo kay Tugade, sibakin ang mga LTO personnel sa Aritao Nueva Vizcaya na isinuplong ng mga rice traders na umano’y garapalan kung mangikil sa kanilang mga ibinibiyaheng palay at bigas.

P500 hanggang P1000 pesos umano ang hinihingi sa bawat truck na dadaan sa weighing station ng DPWH kung saan nasa 1,000 truck ang dumadaan kada araw o katumbas ng kalahati hanggang isang milyon piso kada araw o hanggang P30 million pesos kada buwan.

Inutusan din ng Pangulo ang kanyang special sssistant na si Bong Go na ipasibak sa DPWH ang mga personnel ng kagawaran na naka-assign sa truck weighing station doon dahil sa reklamo ng rice traders na pakikipagsabwatan sa mga LTO team doon sa Aritao. | via Alvin Baltazar