Mga dayuhan at expats, kasama sa mga naturukan na din ng anti-COVID vaccine ng pamahalaan

Kasama sa mga nabakunahan na sa ilalim ng vaccination program ng pamahalaan ang ilang mga dayuhan at expats.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, may mga foreign nationals nang nakatanggap ng bakuna na nasa A2 at A3 category.

Bahagi din aniya ito ani Galvez ng reciprocity o pagsusukli sa ginagawa din namang pagbabakuna ng mga dayuhang bansa sa ating mga OFW na mabigyan ng proteksiyon sa COVID-19.

Bunsod nito ayon kay Galvez ay inilakip talaga din ng gobyerno ang mga dayuhan at expats na makinabang sa pagbabakunang ginagawa ng pamahalaan.

Nitong huling pag-uulat kay Pangulong Duterte ni Department of Health Secretary Francisco Duque ay sinabi nitong nasa halos 2 milyon na ang nabakunahang indibidwal subalit hindi naman nabanggit kung ilan dito ang dayuhan.