Mga dadalo sa huling SONA ng Pangulong Duterte, posibleng limitado pa rin

Posibleng limitado pa rin ang papayagang makadalo sa pang-huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Speaker Lord Allan Velasco, tulad noong nakaraang taon nang magsimula ang COVID-19 pandemic ay kakaunti ulit ang papayagan na makasaksi ng personal sa SONA ng Pangulo sa Batasan Complex.

Hindi naman isinasantabi ng mambabatas na magkaroon ng adjustment o magdagdag ng bisita at VIP na dumalo kung mas marami na ang mabakunahan bago ang SONA.

Magkagayunman, ang lahat ng plano sa SONA ng Pangulo ay dadaan muna sa approval ng Malakanyang.

Sa July 26 nakatakda ang ika-anim na SONA ng Pangulo na siyang hudyat rin ng pagbubukas ng third regular session ng 18th Congress.