Mga consumers, dapat mabigyan ng proteksyon laban sa hazardous goods ngayong Kapaskuhan

Ngayon pa lang, nanawagan na sa gobyerno at mga industriya ang EcoWaste Coalition na tiyaking protektado laban sa hazardous goods ang mga consumers ngayong papalapit na ang Christmas season.

Bilang paggunita sa Consumer Welfare Month ngayong October, binigyang-diin ng grupo ang mas malaking responsibilidad ng mga concerned agencies at mga negosyante na bigyan ng garantiya ang mga consumers laban sa pang-aabuso at pandadaya sa mga pamilihan.

Ayon kay Thony Dizon, Chemical Safety campaigner ng EcoWaste Coalition, kanila ding hinihimok ang mga consumers na maging mapagmatyag sa mga hindi ligtas na kalakal at iwasan na ang pagbili nito.

Binigyang-halimbawa ni Dizon ang mga popular holiday products tulad ng mga laruan , gift items, at yuletide decorations na maaaring may dalang panganib sa kalusugan, buhay o pag-aari.

Giit pa nito ,ang mga laruan na hindi nakakasunod sa safety standards ay maaaring naglalaman ng mga substances tulad ng cadmium, lead at mercury, brominated flame retardants at phthalates, na delikado sa mga bata.

Ilang gift items, naman ang kadalasang ibenebenta ng walang label na hindi rin ligtas sa mga kabataan, pregnant women at sa iba pang vulnerable groups dahil sa mga kemikal at pisikal na katangian.