Mga COC na naimprenta noong 2017, gagamitin pa rin sa darating na Brgy at SK Elections

Ayon sa Commission on Elections, huwag na raw magtaka ang mga kakandidatong opisyal ngayong nalalapit na Barangay at SK Elections kung ang kanilang candidacy form ay may petsang October 23, 2017 pa.

Gagamitin kasi muli ng Komisyon ang mga dati nang naimprentang Certificate of Candidacy o COC.

Sa inilabas ngang Memorandum, nilinaw ni Comelec Law Department Director Maria Norina Tangaro-Casingal na sa ilalim ng rules of filing COC, ay maaari pa ring ituring na official at authorized ang mga COC na naimprenta noong nakaraang taon, at hindi na kinakailangan pang imodify o baguhin.

Kaugnay niyan ay itinakda ng Comelec ang period of filing ng COC mula April 14 hanggang April 20.

Maaari nilang i-download ang COC forms sa pamamagitan ng official website ng Comelec, o maaaring kunin sa tanggapan ng election officer ng kanilang syudad o munisipyo. | via Merry Ann Bastasa