Mga benepisyaryo ng GIP, magsisimula na magtrabaho sa Navotas

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Navotas na ilan sa mga benepisyaryo ng Government Internship Program o GIP ang magsisimula na mag trabaho sa lungsod.

Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, 20 benepisyaryo ng GIP ang magsisimulang mag trabaho sa Navotas City Hall simula sa susunod na linggo.

Kabilang sa mga benepisyaryo ng nasabing programa ang dalawang miyembro ng LGBT community at pitong single moms.

Hinimok naman ni Tiangco ang mga benepisyaryo na pagbutihin ang kanilang trabaho dahil tungkulin ng mga kawani ng pamahalaan na paglingkuran at ibsan ang hirap ng publiko.

Tinatayang aabot sa P1.4 milyon ang inilaan na pondo ng lokal na pamahalaan sa GIP.

Sa ilalim ng nasabing programa, mag tatrabaho ang mga benepisyaryo ng anim na buwan at sasahod ng P537 kada araw.