Mga bayarin sa parking fees ng mga commercial establishments dapat alisin — Cong. Manny Lopez

Umapila ngayon si Manila Rep. Manny Lopez sa Kamara na ikunsidira ang pagtalakay ng hakbangin na layong i-exempt ang mga patrons, customers at umuupa sa mga shoping malls, markets, shops, fairs at hospital sa pagbabayad ng parking fees.
 
Ayon kay Lopez, maging si Pangulong Duterte ay nangako na buwagin ang mga oligarch na patuloy na kumukontrol sa ekonomiya at negosyo ng bansa.
 
Naniniwala ang Tondo solon na patuloy na isinusulong ng mga oligarch ang kanilang interes sa pagsingil ng hindi makatarungan sa mga nabanggit na lugar.
 
Layon ng hakbangin na magtakda ng isang sistema na mag-e-exempt sa lahat ng patrons at customers sa mga nabanggit na lugar ng pagbabayad ng parking fees. | via Rene Tichangco