Mga bagong lipat na opisyal ng PNP may isang buwan para patunayan ang husay – PNP chief

May isang buwan lamang ang mga bagong lipat na opisyal ng Philippine National Police (PNP) para patunayan ang kanilang husay sa mga pwestong ibinigay sa kanila.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa kanyang press confernce matapos ianunsyo noong nakaraang linggo ang malawakang balasahan sa liderato ng PNP.

Paliwanag ng PNP chief, lahat ng mga bagong appointments ay “under probation” at nakadepende ang kanilang pagiging permanente sa kanilang performance sa unang buwan ng kanilang panunungkulan.

Ayon kay Albayalde hindi na nila mahihintay ang “first 100 days in office” dahil kulang sa panahon, kaya pagkatapos ng isang buwan ay magkakaroon uli ng evaluation.

Dagdag ni Albayalde, susunod nang babalasahin ang mga provincial at city dircectors na kasalukuyan nang subject ng deliberasyon ng PNP Oversight Committee.

Binigyang diin ni Albayalde na ang pagtatalaga ng mga bagong opisyal sa posisyon ay isang kolektibong desisyon ng pamunuan ng PNP at hindi solong aksyon ng PNP chief, na base sa performance ng mga opisyal. | ulat ni Leo Sarne