Mga bagong halal na punong barangay sa Quezon City, nanumpa na

Kabuuang 142 bagong halal na punong barangay sa anim na distrito sa Lungsod Quezon ang pormal nang nanumpa sa kanilang tungkulin ngayong araw.

Ang mass oathtaking ay ginawa sa harap ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa Quezon City Hall.

Nangako ang mga opisyal ng barangay na kanilang gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin alinsunod sa umiiral na batas sa pagsisimula ng kanilang panunungkulan ngayong buwan ng Hulyo.

Ang oathtaking ng mga punong barangay ay ginawa ‘by batches’. Una ay kaninang alas-siyete ng umaga kung saan nanumpa ang lahat ng nasa District 1, sumunod ang District 2 hanggang 5 at 6.

Ang iba pang distrito ay isusunod hanggang matapos ang panunumpa ngayong maghapon.

Pagkatapos ng panunumpa, bawat punong barangay ay pinagkalooban ng pamahalaang lokal ng Quezon City ng tig-isang brand new ambulance vehicle na magagamit sa kanilang barangay. | ulat ni Rey Ferrer