Mga bagong armas at sasakyan, tinanggap ng QCPD upang lalong mapalakas ang kanilang kapasidad kontra kriminalidad

Pormal nang tinanggap ngayong araw ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga karagdagang armas at sasakyan.
 
Ito ay bahagi ng tulong ng QC government sa pagpapalakas sa anti-criminality campaign ng pulisya sa pinakamalaking lungsod sa National Capital Region (NCR).
 
Sa isang ceremonial turnover sa NDRRMO Building ng City Hall, tinanggap ni QC Police District Director Chief Supt. Joselito Esquivel ang 1,250 piraso ng Taurus pistols at tatlong units ng Mitsubishi Montero police mobile na ipapamahagi sa iba’t-ibang himpilan ng pulisya sa lungsod.
 
Umaasa si Quezon City Mayor Herbert Bautista na makakatulong ang mga ito sa operasyon ng QCPD lalo na sa war on drugs ng pamahalaan.
 
Maliban kay Chief Supt. Esquivel, dumalo rin sa aktibidad si PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde at si NCRPO Director Camilo Pancratius Cascolan. | via Shane Juan