Mga backyard piggery owners sa QC, nalalabuan sa ayuda na ibibigay ng DA, QC gov’t

Hindi malinaw sa mga backyard hog raisers kung bibigyan sila ng tulong ng Department of Agriculture (DA) at Quezon City government.

Ayon kay Ginang Beth dela Cruz, isa sa 10 pamilya na namatayan na ng mga alagaing baboy sa Barangay Bagong Silangan, hindi naman sila pinupuntahan at kinakausap para bigyan ng tulong.

p

Sa ngayon wala na silang pinagkakakitaan matapos maubos mamatay ang mga alaga nilang baboy.

Kung sakali mang bibigyan sila ng tulong, hindi raw sapat ito para suportahan ang kanilang kabuhayan.

Nanindigan din sila na hindi nila itinatapon sa ilog ang mga namamatay na baboy kundi ibinabaon nila ito sa kanilang bakuran.

Gayunman umaapela pa rin sila sa lokal na pamahalaan at DA na bigyan sila ng tulong.

Bago pa man aniya pumutok ang isyu ng pagkakasakit at pagkamatay ng baboy sa Rizal, marami na sa kanilang alaga ang namatay sa sakit.

Ang kanilang lugar ay nasa Ground Zero sa Oriole Extension at nasa ilalim ng 1-7-10 protocol ng DA.