Mga babaeng pulis, nakatanggap ng libreng serbisyo bilang bahagi ng National Women’s month celebration

DAVAO CITY – Bilang bahagi ng nagpapatuloy na pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong buwan ng Marso, nabigyan ng pagkakataon na makapag-relax ang mga kababaihan ng Police Regional Office (PRO) 11 sa pamamagitan ng isang Health and Wellness Program na may temang kalusugan at kagandahan ng kababaihan.

Iba’t-ibang libreng serbisyo ang ibinigay sa mga babaeng pulis para maalagaan ng mga ito ang kanilang mga sarili, gaya na lang ng saloon services at pagbibigay ng mga beauty kit.

Una ng sinabi ni Police Chief Inspector Melgrace Driz, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 11, na may mga programa ang lokal na pamahalaan lalo na kung pag-uusapan ang kalusugan ng mga babaeng PNP personnel. | via Sheila Lisondra-RP Davao

Photo courtesy: http://bit.ly/2IFr8jB