Mga APOR sa Las Piñas City, hindi na kailangan ng quarantine pass

Hindi na oobligahin ang authorized persons outside residence na magpresenta ng quarantine pass at special documents sa Las Piñas City.

Batay sa inilabas na Executive Order Number 24-2020, hindi na kailangan ang quarantine passes at iba pang dokumento gayundin sa mga residente, manggagawa, kawani sa mga establisimiyento industriya, opisina at pasilidad na pinahintulutang mag-operate sa ilalim ng general community quarantine.

Pero gaya ng mga nabanggit, kailangang sumunod ang APOR sa minimum public health standards sa lahat ng oras.

Maaari na ring magsagawa ng indoor at outdoor non-contact sports at exercises tulad ng paglalakad, jogging, pagbibisikleta, golf, swimming, tennis, badminton, equestrian at skateboard.

Dapat lamang ay ipatupad ang dalawang metrong physical distancing, pagsusuot ng face mask at iba pang safety protocols.

Gayunman, bawal pa ring lumabas ng bahay ang below 21 years old at senior citizens pati na ang mga buntis at may medical condition.