Mga APOR, di kailangan ng vaccination certification para lumabas — Eleazar

Makalalabas pa rin ang mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) na hindi pa natuturukan ng bakuna kontra COVID-19.

Ito ang nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar matapos dumagsa sa mga vaccination site ang mga APOR sa pangambang hindi sila makalalabas kung hindi pa nababakunahan.

Ayon kay Eleazar, basta’t kasama sa APOR ang isang indibidwal ay makalalabas pa rin ito upang magtrabaho.

Hindi aniya requirement sa paglabas ang bakuna sa panahon na umiiral ang lockdown.

Bukas ay iiral na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng banta ng Delta variant ng COVID-19.