Mga aktibidad para sa physical at psychogical testing procedure ng mga kadete ng PNP, militar, pinalilista

Nanawagan si Bagong Henerasyon Partylist Rep Bernadette Herrera sa Department of National Defense (DND) na isa-isahin ang mga aktibidad na sakop ng physical at psychological tests para sa mga kadete ng Philippine National Police (PNP) at Militar.

Batay kasi sa Sec. 3 ng Anti Hazing Law of 2018, binibigyan ng exemption ang PNP at AFP na magsagawa ng mga physical, psychological at mental tests sa kanilang mga kadete, sangayon sa approved list ng Department of National Defense.

Ayon kay Herrera, dapat ay may malinaw na panuntunan ang DND sa kung anong klaseng test o procedure ito para hindi maikonsidera bilang hazing.

Posible kasing nagtatago o ginagamit ng ilan ang naturang probisyon ng batas para maipagpatuloy ang tradisyon ng hazing.