Mga ahensiya ng gobyernong nais ni Pangulong Duterte na mapasailalim sa Office of the President

Sa susunod na cabinet meeting inaasahang ihahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tanggapan ng gobyerno na nais niyang mapasailalim sa Office of the President (OP).

Ayon sa Pangulo, ang cabinet meeting ang nakikita niyang tamang venue para ilatag sa harap mismo ng mga miyembro ng gabinete ang kanyang planong ilagay sa superbisyon ng OP ang ilang tanggapan ng pamahalaan.

Tumangging sagutin kagabi ng chief executive ang katanungan kung aling mga tanggapan ang magagalaw kaugnay ng kanyang plano, dahil aniya ayaw niyang masaktan ang ilang secretary na matatamaan ng reorganization.

Bukod dito ay magpapatawag din aniya siya ng command conference, na kung saan dito inaasahan namang matatalakay ang ninanais ng presidente na radikal na pagbabago hinggil sa public security and order.

Posibleng maging bahagi naman ng agenda sa ipatatawag na command conference ng punong ehekutibo ay ang pagsasaayos sa hanay ng Philippine National Police (PNP), na kanyang binanggit kahapon na kailangang talagang mabigyan ng pansin sa harap ng inaasahang pagpapatupad ng mas maigting na kampanya sa kriminalidad. | Ulat ni Alvin Baltazar