Mga abusado sa freedom of expression, mapaparusahan

Nagpaalala ang Palasyo sa hindi absolute ang batas kaugnay sa kalayaan sa pananalita sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay kasunod na rin ng nag-viral na video ng TV personity na si Mystica, kung saan nakapagbitiw ito ng hindi magagandang salita laban sa pangulo at sa government response kontra COVID-19.

Ayon kay Secretary Roque, bagamat naninindigan si Pangulong Rodrigo Duterte sa karapatan ng malayang pananalita, dapat aniyang alalahanin ng lahat na sa larangan ng Human Rights law at International law ang freedom of expression ay mayroon ring hangganan.

Ang isang estado aniya ay maaaring limitahan ang freedom of expression sa ilalim ng isang State of National Emergency. At alam naman aniya ng lahat na ang COVID-19 ay hindi lang basta isang national emergency bagkus ay international emergency.

Ani ni Secretary Roque, “Mayroon pong hangganan iyan, at nakasaad po sa International Covenant on Civil and Political Rights na, a state can derogate among others dito po sa freedom of expression, kapag mayroon pong national emergency.”

Sinabi rin ni Secretary Roque na sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, partikular sa Section 6 (F) mapaparusahan ang mga indibidwal o grupo na nagpapakalat ng maling impormasyon.

“Individuals or groups creating, perpetrating or spreading false information regarding the COVID-19 crisis on social media and other platforms, such information having no valid or beneficial effect on the population and are clearly geared to promote chaos, panic, anarchy, fear or confusion and those participating in cyber incidents that make use or take advantage of the current crisis situation to prey on the public through scams, phishing, fraudulent emails or other similar acts.”