Mga 4 at 5 star hotel, maaari nang magbukas para sa staycation

Maaari nang mag staycation pero sa ilang mga kondisyon.

Sa regular press briefing ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sinabi nitong ang mga hotel na nasa kategoryang 4 at 5 star lamang ang maaaring tumanggap ng mga staycationers.

No age restriction ani Roque, ang ipapatupad na polisiya ng pamahalaan para sa mga nais na mag-staycation kaya maaaring isama ang mga below 20 years old at mga senior, maliban na lamang sa mga may comorbidities habang bawal ang mga buntis.

Sa ilalim ng panuntunan, ay mandatory ang pagpapatupad ng cashless payments upang bawas na din sa transmission ng virus.

Obligado din ang mga staycation guest, na magpakita ng negative rapid antigen test result na isinagawa sa mismong araw ng pag-check in.