Metro Manila, uulanin sa loob ng dalawang oras, ayon sa ipinalabas na thunderstorm advisory ng PAGASA

Makulimlim na ang kalangitan sa ilang bahagi ng Metro Manila at nagbabadyang bumuhos ang ulan.

Katunayan, nagpalabas na ng thunderstorm advisory ang PAGASA Weather Bureau kaninang pasado alas-7:00 ng umaga.

Ayon sa weather Bureau, sa loob ng dalawang oras makakaranas ng malalakas na pag-ulan na may kasamang malakas na hangin at pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila at mga lalawigan ng Rizal, Cavite, Zambales, at Bataan.

Kabilang ang Quezon City, Caloocan, Valenzuela sa makakaranas ng pag ulan, at ang Obando, Meycauyan, Marilao, Bulakan,
Bocaue sa lalawigan naman ng Bulacan.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-ingat sa posibleng idudulot ng pag-ulan lalo na sa mga lugar na prone sa pagbaha at landslide. | ulat ni Rey Ferrer