MERALCO, magpapadala na muli ng disconnection notice

Ngayong balik na sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) Plus, balik na rin sa pagpapadala ng disconnection notices ang Manila Electric Company o Meralco.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldariaga, simula noong May 15, ay sinimulan na muli ng kumpanya ang mag abiso sa kanilang mga customer na may overdue electric bills.

Hinikayat ng Meralco ang mga customer nitong, agad makipag-ugnayan na sa pinakamalapit na business center.

Paliwanag nito, mas mabuti kung personal na magpunta ang mga ito sa business center at makipag-usap, upang mahanapan ng solusyon at matulungan kung hirap sa pagbabayad.

Wala naman umanong general policy dito ang kumpanya, at bukas pa rin sa ano mang diskusyon, para maiwasan na maputulan ang isang customer ng kuryente