Mental health ng mga pulis, pinatututukan

Pinatututukan ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar sa PNP Health Service hindi lang ang pisikal na kondisyon ng mga pulis, kundi maging ang kanilang mental health.

Ayon sa PNP Chief batid niya na maraming pulis ang may dinadalang emosyonal na problema dahil sa hirap ng sitwasyon na nagtutulak sa kanila para gumawa ng krimen.

Lalo pa aniyang mahalaga ngayong panahon ng pandemya na patatagin ang physical at mental condition ng mga pulis.

Para aniya epektibong magawa ito ng PNP Health Service, kailangang ding palakasin ang hanay nito.

Mungkahi ni Eleazar, na itaas ang rangko ng mga nasa PNP Health Service simula sa commander nito na gagawing major general.

Giit ng PNP Chief, mahalaga ang papel ng PNP Health Service kaya kailangang magkaroon ng career growth ang mga tauhan nito kapalit ng kanilang sakripisyo, para mataas din ang kanilang morale.