Meningococcemia outbreak sa isang hospital sa Davao City na kumalat sa social media, pinabulaanan

Pinabulaanan ng Brokenshire Hospital sa Davao City ang kumalat sa social media na may meningococcemia outbreak sa kanilang hospital.

Batay sa official facebook page ng naturang hospital, nilinaw nito na meron silang suspected case sa naturang sakit matapos makitaan ng parehong sintomas ng meningococcemia.

Ayon sa Brokenshire hospital, naipadala na ang specimen sa kanilang microbiologist para sa kumpirmasyon.

Siniguro naman ng hospital na agad nilang ginagawa ang infection control protocol, habang ligtas na umano ang hospital at kanilang ER base sa kumpirmasyon ng Infection Control Committee.