Memorandum sa pagkakaroon ng National Communication Policy, pinagtibay na ayon kay PCO Secretary Martin Andanar

Sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 0014-2018, layunin nito ani Andanar na ma-instutionalize ang paghahatid ng impormasyon at mensahe na mula mismo sa Pangulo.

Nilagdaan na ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar ang isang Memorandum Order na lilikha ng National Communication Policy para sa buong pamahalaan.

Sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 0014-2018, layunin nito ani Andanar na ma-instutionalize ang paghahatid ng impormasyon at mensahe na mula mismo sa Pangulo.

Ngayong mayroon nang National Communication Policy, tiniyak ni Andanar na makakarating hanggang sa mga barangay ang nais ipaabot ng Chief executive sa taong bayan.

Ayon sa Kalihim labing siyam na buwan nila itong pinag-aralan, hanggang sa kahapon nga ay pormal na itong pinagtibay sa pamamagitan ng isang Memorandum Circular.

Ito na ang ikatlong policy na nalilikha ng PCOO sa ilalim ng Duterte Administration at ang naunang dalawa ay ang Freedom of Information at ang paglikha ng Task Force on Media Security. | via Alvin Baltazar