Medical supplies at testing kits, dumating na sa Batanes

Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Health (DOH) Batanes Provincial Office na dumating na sa probinsya ang mga COVID-19 testing kits at iba pang medical supplies mula sa Manila at DOH Regional Office 2.

Dahil sa kawalan ng byahe ng mga eroplano papunta dito sa probinsya ay isinakay ang mga naturang medical supplies sa barko ng Philippine Navy mula sa La Union.

Kabilang sa mga dinala ay mga gamot, alchohol, sanitizers at iba pang mga supplies at 15 COVID-19 Regular Testing Kits o yung Universal Transport Media (UTM) at 10 sets ng Personal Protective Equipment (PPE) para sa mga frontliners dito sa probinsya.

Dahil limitado ang suplay ng mga Testing Kits at PPEs sa Rehiyon ay pinayuhan ang mga frontliners dito na ireserba na lang ang mga ito kung sakaling magkaroon ng pasyenteng makitaan ng sintomas ng virus.

Sa ngayon ay COVID-19 free pa din ang buong lalawigan.