Mayor Sara, sinuspinde ang klase bukas matapos ang lindol ngayong gabi

Ipinag-utos ni Davao City Mayor Sara DuterteĀ  na suspendihin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko man o pribadong paaralan sa lungsod, matapos yanigin ng 6.3 magnitude na lindol.

Inilabas ng alkalde ang kanyang kautusan sa pangambang nagdulot ng pagkasira sa mga gusali o electrical damages ng mga paaralan sa lungsod ang pag yanig.

Ipinag-utos din ni Mayor Sara sa lahat ng mga nagmamay-ari at mga tagapamahala ng mga paaralan, na ipasuri sa mga eksperto ang kanilang mga gusali pati na linya ng kuryente, para masiguro na ligtas ang mga ito.

Kapag may nakitang depekto, kailangan na nilang i-condemn ang mga gusali at huwag ng gamitin, para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga mag-aaral.