Mayor Sara, pinaalalahanan ang publiko sa muling pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases

Pinapaalalahan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang publiko, na maghanda ang lahat sa posibleng hatid ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Davao.

Ayon sa alkalde, naitala na umano ang clustering ng kaso, kung saan pinakamarami pa rin ay ang transmission ng virus sa loob ng kanilang mga bahay.

Base sa tala ng City Health Office, naitala ang 64 na clustering ng kaso, kung saan 43 nito ay household transmission, habang ang iba naman ay mula sa mga workplace gaya ng mga call center, at sa government at private offices.

Dahil dito, muling nananawagan ang opisyal sa publiko, na panatilihin ang istriktong pagsunod sa minimum health protocol lalo na sa mga workplace, upang maiwasan ang transmission ng virus.