Mayor Sara, nagpasalamat sa anonymous donor ng 200 boxes ng mineral water sa mga biktima ng lindol

Nagpasalamat si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa isang anonymous donor na nagbigay ng 200 boxes na mineral water sa mga biktima ng lindol, sa Tulunan North Cotabato.

Nilinaw ni Mayor Sara, na hindi nya kilala ang donor, subalit pinasasalamatan niya ito sa paggamit ng kanyang pangalan.

Ayon sa alkalde, namahagi ang di nagpakilalang donor bitbit ang tarpaulin na may nakadslat na “Through the effort of Mayor Inday Sarah Duterte.”

Dagdag pa ni Mayor Sara, nais umanong itago ng donor ang kanyang pagkakakilanlan gayunman pinuri niya ang kabaitan ng nasabing anonymous donor.