Mayor Inday may babala sa mga resort owners sa Davao

Hindi muna magpapalabas si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ng closure order sa mga resorts na ilegal na nag-ooperate sa Marilog District lungsod ng Davao.

Ayon kay Mayor Inday, inatasan na niya si City Administrator Atty. Zuleika Lopez at ang City Environment and Natural Resources Office o CENRO na mag-imbentaryo sa mga business establishment na nag-ooperate na walang permit mula sa lokal na pamahalaan, upang mapag-alaman ang mga paglabag ng bawat resort.

Kung matatandaan, na naalarma si Davao City Council Committee on Tourism Chairperson Councilor Al Ryan Alejandre matapos mapag-alaman na dalawa lamang sa 30 resorts sa Marilog District ang may permit at ang iba nito ay nasa danger zone pa, at hindi nakatayo sa kinikilalang Environmental Tourism Zone sa lungsod. | via Sheila Lisondra

 

Photo courtesy: City Gov’t of Davao FB page