Mayor Inday, imposibleng maging substitute ni Bong Go

Binigyang-diin ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte na hindi siya magiging substitute ni dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Ayon kay Mayor Inday, maliban sa desisyon niyang hindi iiwan ang lungsod ng Davao ay imposible rin umano na mangyayari ang sinasabi ng ilan dahil magkaiba sila ng partido ni Go.

Napag-alaman na ang Presidential daughter ay tumatakbo sa ilalim ng regional political party na Hugpong ng Pagbabago, samantalang ang dating SAP naman ay tumatakbo sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan o PDP Laban.

Muli namang iginiit ng alkalde na hindi na magbabago ang desisyon nito dahil wala umano siyang interest na tumakbo bilang Senador ng bansa.  | ulat ni Sheila Lisondra