Mayor Inday Duterte, iginiit na hindi tatakbo sa pagka-senador sa 2019 midterm elections

Muling iginiit ni presidential daughter at Davao City Mayor Inday Sara Duterte Carpio na hindi ito tatakbo sa pagka-senador sa darating na 2019 midterm elections.

Ito ang naging pahayag ng alkalde ng Davao City nang pangunahan nito ang oathtaking ceremony ng mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan sa Davao Oriental sa Hugpong ng Pagbabago kahapon, Hulyo 1, gayundin sa pagdirwang ng ika-51 Araw ng Davao Oriental.

Ayon pa sa alkalde, wala umano siyang intensyon na tumakbo sa isang national position dahil gusto niyang manatiling mayor ng Davao City. Bilang chairperson ng Hugpong ng Pagbabago, ayon pa sa opisyal kanya umanong palalakasin ang buong Davao region sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Sa pahayag ng mayor, kanyang iniindorso bilang senador sila Senator Cynthia Villar, Ilocos Norte Governor Imee Marcos, Maguindanao Representative Sajid Mangudadatu, dating PNP Chief Ronald dela Rosa at SAP Bong Go.

Si Mayor Inday ang kumatawan kay Pangulong Duterte sa 51st Founding Anniversary ng Davao Oriental, kahapon. | ulat ni Ruth Dumandan – DXRP Radyo Pilipinas Davao 

Photo courtesy: City Government of Davao FB page