Mayor Baldo, sinugod sa ospital kagabi

Sinugod sa ospital kagabi ang arestadong Daraga Mayor Carlwyn Baldo matapos umanong atakihin ng asthma.

Ito ang kinumpirma ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Amador Corpuz.

Si Baldo ay inaresto kahapon matapos na mahulihan ng mga hindi lisensyadong armas at pampasabog sa pagpapatupad ng search warrant ng CIDG at Police Regional Office (PRO) 5.

Ayon kay SSupt. Arnold Ardiente, hepe ng CIDG Bicol, pasado alas-11:00 kagabi dinala sa UST Hospital sa Legazpi si Mayor Baldo.

Hanggang ngayong umaga ay nagpapagaling sa ospital ang alkalde habang nasa ilalim ng mahigpit na pagbabantay ng PNP.

Si Baldo ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe at bodyguard nitong si SPO2 Orlando Diaz. | ulat ni Leo Sarne