Maynilad West Zone concessionaire, target magtayo ngayong taon ng bagong pumping stations at reservoirs

Target ng West Zone concessionaire ng Maynilad Water Services, Inc.  na pagbutihin pa ang kanilang water management sa mga lugar na siniserbisyuhan nito sa Metro Manila at Cavite Province.

Ito ay sa pamamagitan ng pagtatayo ngayong taon ng mga bagong pumping station at reservoirs o mga imbakan ng tubig.

Ang proyekto ay gagastusan ng P743-M at partikular na pagtatayuan ng bagong pasilidad ang mga lungsod ng Valenzuela at Muntinlupa na pakikinabangan ng halos siyamnapung libong households at karagdagang isang milyon pa na makokonekta sa Maynilad network.

Dahil din dito, inaasahang tataas na ang water pressure sa Barangay Maysan at Gen. T de Leon sa Valenzuela at Imus, Cavite, kung saan karamihan ng mga residente doon ay umaasa lamang sa deep well o di kaya ay limitado ang supply ng kanilang tubig.

Ayon pa sa pamunuan ng Maynilad, makukumpleto ang nabanggit na proyekto bago magtapos ang taong 2019.

Ngayong taon naman, inaasahan na magiging operational na ang iba pang bagong tayo na pumping stations at reservoirs ng Maynilad sa Bacoor at Imus, Cavite. | via Shane Juan