May 14, ideneklara ng Pangulong Duterte bilang Special Non-Working Day

Ideneklara na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang May 14 bilang Special Non-Working Day sa buong bansa.

Base sa Proclamation 479 na pinirmahan ni Pangulong Duterte ngayong araw May 2, opisyal nang dinedeklarang walang pasok sa buong bansa sa ika-14 ng Mayo o sa ikalawang Lunes ng buwang ito.

Ito ay para bigyang-daan ang isasagawang Barangay at SK Elections.

Una nang hinikayat ng MalacaƱang ang lahat ng mga mamamayang Pilipino na i-exercise ang kanilang karapatang bumuto sa araw na iyon. | via Nimfa Mae Asuncion