Mati City, Davao Oriental, nais gawing sanctuaryo ulit ng Philippine Eagle ang Mt. HamiguitanĀ 

Nais ngayon ng pamahalaan ng Mati City, Davao Oriental na gawing sanctuaryo uli ng Philippine Eagle ang Mt. Hamiguitan.

Ito ang naging resulta sa pulong nina Mati City Mayor Michelle Nakpil Rabat at mga opisyal ng Philippine Eagle Foundation (PEF) nitong Miyerkules.

Sa naturang pulong, sinabi ni Rabat na gusto niyang pumirma ng kasunduan kasama ang PEF para sa pagbabalik ng Philippine Eagle Sanctuary Management Council (PESMC) sa kanilang lungsod.

Nagkaroon na ito ng kasunduan noon sa pagdeklara na Philippine Eagle Sanctuary ang Mt. Hamiguitan pero natigil ito noong 2016 matapos mabaril ang agilang si Pamana noong 2015.

Sa tala ng PEF taong 2005, ng may nadiskobreng pugad ng Philippinse Eagle na dahilan sa pagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Bayan para sa isang 7,000-ektaryang Philippine Eagle Sanctuary.

Noong 2014, Idineklara bilang World Heritage Site ng Unesco ang Mt. Hamiguitan Range na nakakaskop sa Lungsod ng Mati at mga bayan ng San Isidro at Governor Generoso sa Davao Oriental.