Matatag na database, mahalaga sa pagbibigay ng ayuda sa panahon ng krisis

Hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian ang pamahalaan na bilisan na ang implementasyon ng national identification (ID) system.
Ayon kay Gatchalian, ito ay upang matiyak na ang mas mabilis na pagtugon sa mga krisis sa hinaharap.
Binigay na halimbawa ng Senador ang pagkakaroon ng maayos na national data system ng Taiwan at Singapore para epektibong matugunan ang problema sa COVID-19.
Aniya, nagamit nila ang national data system nila sa contact tracing at sa pagtukoy ng travel history ng kanilang mga mamamayan.
Matatandaang noon pang August 2018 napirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Identification System na layong bumuo ng isang official identification card para sa lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas.
Samantala, nanawagan naman si Senador Panfilo Lacson na mabigyan ng sapat na access ang kongreso sa mga datos ng gobyerno.
Ito aniya ay upang makatulong sila sa pagbubuo ng mga polisiya para matugunan ang nga problemang kakaharapin ng bansa lalo matapos ang ipinapatupad na enhanced community quarantine.
Sa ngayon, aminado si lacson na hindk magiging perpekto ang magiging distribusyon ng tulong sa mga pamilyang pilipino lalo na’t hindi gaanong maaasahan ang kasalukuyan nating database dulot na rin ng huling pagpapatupad ng national ID system.